Biyernes, Marso 3, 2017

by francis saab

Kabanata XI
Los BaƱos



Buod
Ang Kap. Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama siyang banda ng musiko sapagka’t siya ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o kinatawan ng patrono real ng hari. Walang nabaril na ibon o usa ang Kapitan heneral. Ibig na sanang pagbihisang- usa ang isang tao. Mabuti na raw iyon sapagka’t maawain siya sa hayop. Ang totoo’y natutuwa siya’t di makikita na di siya makatatama ng ibon o usang babarilin. Nagbalik sila sa Los Banos.

Noo’y ika-31 ng Disyembre.

Naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los-Banos ang Kapitan Heneral, si Padre Sibyla at Padre Irene. Galit na galit naman si Padre Camorra. Hindi alam ng huli na kaya nagpapatalo ang dalawang kura ay sapagka’t nais nilang makalamang sa isa sa pakikipag-usap sa Kapitan ukol sa paaralan ng kastilang balak ng kabataan.

Samantalang nagsusugal ay pinag-aralan at pinasyahan ng Kapitan ang mga papeles ng 
pamamahala na inisa-isa ng kalihim pagpapalit ng tungkulin, pagbibigay ng biyaya, 
pagpapatapon at iba pa. Saka na ang ukol sa paaralan ng kastila. Naroon si Don Custodio at isang prayleng Dominiko- si Padre Fernandez.

Nagalit si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling sugal ni Padre Irene na ikinapanalo ng Kapitan. Punyales, si Kristo na ang makipagsugal sa inyo! ani Padre Camorra at tumayo na.

Si Simoun ang pumalit kay Padre Camorra. Siya ay biniro ni Padre Irene na kanyang itaya ang kanyang mga brilyante. Pumayag si Simoun. Wala raw namang maitataya ang kura. Ani Simoun: Ako’y babayaran ninyo ng pangako. Kayo Padre Sibyla, sa bawat limang bilang ay mangangako na kayo’y di kikilala sa karalitaan, kababaang loob, at pagsunod sa kabutihang asal (magmamalabis siya sa maluhong pamumuhay at paggugol, di siya magpapakita ng awa sa mga dukha, at di siya susunod sa mga tuntunin ng kabutihang asal.); at kayo, Padre Irene, sasabihin lamang ninyo na lilimutin ninyo ang kalinisang ugali, ang awa sa kapuwa, at iba pa. Sa maliit na hinihingi ko’y kapalit ang aking mga brilyante. At ito (tinapik pa ang Kapitan Heneral), sa limang bilang ay isang vale na limang araw sa piitan (karapatan ni Simoun na mapabilanggo sa isang tao nang limang araw); isang pag-papapiit sa limang buwan; isang utos na pagpapatapon na walang nakasulat na pangalan; karapatan sa isang madaliang utos na pagpapabaril sa iasng taong pipiliin ko at iba pa. 

Sa kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio , Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang huli ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling.

Para raw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo, tugon ni Simoun.

Ipinalalagay ng nangakarinig na ang gayong kaisipan ni Simoun ay gawa ng pagkaharang sa kanya ng mga tulisan. Sinabi naman ni Simoun na nang pigilan siya ng mga tulisan ay walang kinuha sa kanya kundi ang 2 niyang rebolber at mga bala. Kinumusta pa raw ang heneral. Marami raw baril ang tulisan . Anang heneral ay ipagbabawal niya ang mga sandata. Ani Simoun: Huwag. Ang mga tulisan ay marangal; sila ang tanging marangal na kumikita ng ikabubuhay nila. Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang di man lang kukunin ang aking mga alahas ? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga tulisan sa bayan at siyudad. 

Gaya ninyo, ani Padre Sibylang nakatawa.

Gaya natin , ganti ni Simoun, Tayo nga lamang ay mga di-hayagang tulisan. 

Ika-11:30 na. Itinigil ng heneral ang laro at parunggitan. May kalahating oras pa’t manananghali na marami pa tayong suliraning pag-uusapan. 

Ipinasiya ng heneral na ipagbawal ang armas de salon (sandatang pampalamuti sa salas). Tumutol ang Mataas na Kawani. Wala raw bansa sa daigdig na nagbabawal niyon. Manok lang daw ang kayang patayin niyon. Laging sinasalungat ang heneral ng Mataas na Kawani. Walang nangyari sa pagtutol ng huli. Nagbigay ng payo si Simoun. Huwag ipagbawal ang armas de salon liban sa iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. Ito ang nasunod.

Sunod na pinag-usapan ang suliranin ng paaralan sa Tiyani. Ang guro ay humihingi ng bahay-paaralan. Ani Padre Sibyla si Socrates ay nagturo sa plasa, si Plato sa ilalim ng mga kahoy at si Hesus ay sa mga bundok. Pilibustero raw ang guro sa Tiyani, ayon kay Padre Camorra. Ipinasiya ng heneral na pigilin sa pagtuturo ang guro. Tumutol ang Mataas na Kawani. 

Anang heneral ay di dapat humusay pa sa Espanya ang mga paaralan pa sa Pilipinas. Sa susunod , dugtong pa nito, lahat ng daraing ay pipigilin sa tungkulin. 

Ipinayo ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan. Kung linggo at pista lang lang daw ginagamit at pinakamaayos na gusali, ang mga sabungan. Kung simpleng araw daw ay nakatiwangwang lamang.

Pinutol ng heneral ang pagtatalo. Pag-aaralan daw niya. Isinunod ang balak na paaralan ng kabataan ukol sa Wikang Kastila. Anim na buwan nang naghihintay ito ng pagpapasiya.

Tinanaong ng heneral ang kawani Sang-ayon ang tinanong. Pinuri ang balak ng kabataan. Tumutol sa balak si Padre Sibyla. Wala raw sa panahon at isang paghamak sa mga Dominiko. Ayon kay Simoun ay kahina-hinala ang balak. Iniisip ni Padre Irene na tagapagsalita ng kabataan para sa paaralan na wala nang pag-asa ang paaralan. Tutol si Simoun. Ipinasyang huwag nang magsalita. 

Inisa-isa ang kabataang may panukala ng paaralan. Si Isagani raw ay mahilig sa pagbabago at pagsulong kaya’t mapanganib. Ipinagtanggol ni Padre Fernandez si Isagani. Ani Padre Camorra, ang binata ay bastos. Sa bapor da ay itinulak niya at siya’y itinulak din nito.

Ang mayamang si Macaraig na paborito ni Padre Irene ay may taga- tangkilik na isang kondesa kaya’t di ito pinag-usapan. Isinunod si Basilio. Tubig na tulog daw ito, ayon kay Padre Irene. Tahimik daw at may pinagmulang si Padre Salvi ang higit na nakaaalam(ngunit wala si Padre Salvi.) Tila raw nakabangga na ito ng mga sibil at may ama itong napatay sa isang paghihimagsik. Itala raw ang pangalan ni Basilio, utos ng heneral. Tumutol ang kawani. Ipinagtanggol ang kabataan. Tumango sina Padre Fernandez, Padre Irene at Don Custodio.

Tumutol si Padre Camorra: Ang mga Indiyo ay di dapat matuto ng kastila at pagnatuto ay makikipagtalo sa mga kastila. 

Ani Padre Sibyla: Hindi pinag-uusapan dito ang pagtuturo ng kastila: dito ay may isang lihim ng paghahamok ng mga estudyante at ng Unibersidad ng Sto. Tomas. Pag nasunod ang kanila, natalo kami (mga Dominiko), yayabang ang mga iyan at tuloy-tuloy na. Pagkatapos naming bumagsak, isusunod nila ang Pamahalaan. 

Nagsalita si Padre Fernandez na isa ring Dominiko: Pulitikahin natin sila para di nila masabing tinalo nila tayo. Sa halip na labanan natin sila ay sang-ayunan natin at purihin sa balak nila. Bakit makikipagkagalit tayo sa Bayan; kakaunti tayo, marami sila. Kailangan natin sila, tayo’y di nila kailangan. Ngayo’y mahina ang bayan. Ngunit bukas-makalawa’y lalakas iyan. Matuwid ang mga kahilingan ng mga estudyante. Kikilala pa sila sa atin ng utang na loob. Gumaya tayo sa mga Hesuwita. 

Lalong nagalit si Padre Sibyla nang mabanggit ang hesuwita. Nagsabad- sabaran ang magkakaharap at di naunawaan ang lahat. Pumasok ang kura sa Los Banos upang sabihing nakahanda na ang pananghalian. 

Siyang pagbulong ng mga Kawani sa Heneral. Ang anak noong si Kab. Tales ay humihiling na palayain ang kanyang nuno na napipiit kapalit ng ama. 

Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya. Sumang-ayon ang Heneral.





Ang maiuugnay ko sa kwentong yan sa panahon natin ngayon ay katulad sa nangyayari sa mga politiko ay hindi sila nag kakaintidhan at hindi lahat sa kanila ay sumusunod sa batas. dapat ang ginagawa nila ay nag kakasundo kung ano ang kanilang mga gagawin. 

Martes, Pebrero 28, 2017

Kabanata VII
Si Simoun





Buod

Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag at liwanag na palapit. Nangubli siyan sa puno ng baliti. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating. Nakilala ito ni Basilio-ang mag-aalahas nang mag-alis ito ng salamin. Nangsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol. Naalaala si Basilio. Ito ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip si Basilio. Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun- ang si Ibarra?

Napakita na kay Simoun si Basilio at nag handog ng pagtulong bilang ganti sa tulong na ipanagkaloob nito nam ay 13 taon na ang nakalilipas. Tinitutukan ni Simoun ng baril si Basilio. Sino ako sa palagay mo? tanong ng mag-aalahas. Tugon ni Basilio. Kayo po’y isang taong mahal sa akin, kayo’y ipinalalagay ng lahat, matangi sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa buhay ay madalas kong ikinalulungkot. Lumapit si Simoun sa binata. Aniya: Basilio, ika’y naghahawak ng isang lihim na maaring magpangayaya sa akin, at ngayo’y natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga balak. At sinabi ni Simoun na dapat ay patayin na niya si Basilio upang iligtas ang kanyang layunin. "Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na ika’y di ko patayin. Gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan Dapat tayong magtulungan.

At inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay nito ang pagkakapaglibot sa buong daigdig upang magpakayaman. Nagbalik upang ibagsak ang pamahalaang marumi sukdang ipagdanak ng dugo. Siya raw ay sadyang nagpapalala sa pag-iimbot at pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik.

Nguni’t sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na nagbabalak magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila at humihinging gawing lalawigan ng Espanya ang pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. Ito raw ay magbibigay daan sa Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Ibig raw nina Basilio na matulad ang Pilipinas sa mga bansang magugulo sa Timog Amerika (South Amerika).

Ayon kay Basilio ang kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas.

Ito’y pinabulaan ni Simoun. Anya: Ang kastila kailanman ay di magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ; sapagka’t sa mga kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan. Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila. At ang iilang ito ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, paaalipin. Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa wikang Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang wika. Tinuligsa rin niya ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at umunawa ng sariling wika.

Mabuti, ani Simoun, at hangal ang pamahalaang Kastila na ayaw magpaturo ng wika nito sa mga nasasakupang di tulad ng Rusya at Alemanya. Ani Simoun: Kayo’y nakalilimot na habang ang isang bayan ay may sariling wika, napananatili rin nito ang kanyang paglaya. Ang wika ay isang pag-iisip ng bayan .

Inihimutok ni Simoun na ang kilusan ng kabataan sa pagpapaturo ng Kastila ay ipinagdurusa ng kanyang loob. Naniniwala siyang matapat sa kabataang ito ang paniniwala na sa kapakanan ng bayan ang kanilang ginagawa. Ninais niyang kausapin sina Isagani at Macaraeg. Nguni’t baka di siya pakinggan ng mga ito. Naisip rin niyang pagpapatayin ang mga ito.

Nagpatuloy si Simoun ukol sa kilusang ibinunsod ng kabataan Bukod sa isang pag-aaksaya ng panahon ay nilinlang ninyo ang bayan sa pag-asa sa wala at tinutulungan ninyong magyuko ng ulo sa mga mapangamkam. Ayaw silang matulad kayo sa mga Kastila? Napakabuti! Paunlarin ninyo ang katutubong ugali. Ayaw kayong bigyan ng kinatawan sa Kortes? Mabuti. Ano ang magagawa ng isang tinig sa karamihan? Habang nagmamaramot sila sa pagbibigay ng karapatan sa inyo lalong malaki ang matatamo ninyo pagkatapos upang ibagsak sila at gantihan ng sama ang sama. Ayaw ituro sa inyo ang kanilang wika, paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa. Huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at sila’y bahagi ng bayang ito kundi manlulupig at dayuhan. Sa gayo’y matatamo ninyo ang paglaya. Iyan ang dahilan at binayaan ko kayong mabuhay!

Nakahinga si Basilio. Aniya’y di siya pulitiko. Lumagda siya sa kahilingan ukol sa paaralan dahil inaakala niyang iyo’y mabuti. Sa panggagamot daw siya nakaukol.

Sa kasalukukuyang kalagayan daw ay di makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon kay Simoun. Ang sakit ng bayan ay siyang higit nangangailangan ng kagamutan. Walang halaga ang buhay na di nauukol sa isang layuning dakila, parang isang bato sa linang sa halip maging sangkap sa isang gusali.

Ani Basilio pinili niya ang siyensiya para makapaglingkod sa bayan. Nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap. Ang karunungan ay panghabangpanahon, makatao at pandaigdig. Sa loob ng ilang daantaon, kapag ang sangkatauhan ay tumalino na, kung wala nang lahi-lahi, lahat ng bayan ay malaya at wala nang mang-aalipin at napaaalipin, iisa na ang katarungan at lahat ng tao’y mamamayan na ng daigdig at ang tanging layunin ng tao ay pagkakamit ng karunungan, ang salitang kagitingan at pag-ibig sa bayan ituturing na panatisismo o kabaliwan at ikabibilanggo ng nagsasabibig nito.

Napailing si Simoun. Upang makaabot daw sa kalagayang sinabi ni Basilio ang daigdig kailangan munang lumaya ang mga tao at ito ay nangangailangan namang pagpapadanak ng dugo upang ang mga sinisikil ay makalaya sa mapaniil. Pangarap lamang daw ang kay Basilio. Ang kadakilaan ng tao ay di magagawa sa pagpapauna sa kanyang panahon kundi nasa pagtugon sa kanyang pangangailangan at hangarin sa pag-unlad.

Napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ni Basilio. Inulos niya ng tuya si Basilio. Sinabi ni Simoun na walang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay ng ina na parang babae. Paano ako makapaghihiganti? tanong ni Basilio. Ako’y dudurugin lamang nila. Sinabi ni Simoun na tutulungan siya. Hindi na raw bubuhayin ng paghihiganti ang ina o kapatid niya, tugon si Basilio. Ano ang mapapala ko kung sila’y ipaghihiganti? .

Makatulong sa iba nang di magdanas ng gayon ding kasawian, tugon ni Basilio. Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan, ito’y kasalanan kung nagbibigaay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin. At ipinaalaala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang kamumuhian. Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi, ani Simoun. Nguni’t di ko sila pinakikialaman; pabayaan nila akong makagawa at mabuhay. Tugon ni Basilio na sinundan ni Simoun ng:


At magkaanak ng mababait na alipin Ang mga damdaming mabuti o masama ay namamana ng anak. Kayo ay walang hangad kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot na bigas; at iyan ang mithiin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa inyo, ituturing ninyong kayo’y mapalad na.


Magmamadaling araw na. Matapos sabihing di niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa Escolta. Nagpasalamat si Basilio. Naiwan si Simoun na nag-iisip: Di kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak itong maghiganti nguni’t naglilihim lamang at nais sarilinin iyon o sadyang wala nang hangad maghiganti. Lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding nasa na makapaghiganti.











Maihahalintulad ko ang sitwasyong ito katulad ng nangyayari sating bansa ngayon na palaging may problema sa pamayanan dahil sa mga isyu kinukpit nila ang pera. Marami narin ang nangyayari sating bansa ngayon ang patayan dahil sa mga problemang pera, sa pag-ibig at iba pa na nagkukusa ng problema. Dahil meron ng nangyari sayung pamilya ay ipinaghihiganti nyo ito dahil kailangan niyo ng hustisya kaya dyan hindi natatapos ang problema dahil mas iniisip natin ang mga nangyayari. Nagtatanim tayo ng galit kahit ang tagal na.